Social Contract

Friday, February 02, 2007

Nasaan na nga ba ako?


Nasaan Na Nga Ba Ako?

Nagdaan ang mga araw, tila wala pa rin nagbago. Nandito pa rin ako sa mundong puno ng kaguluhan. Marahil, hindi na ako makababangon.

Isa ba itong pagkakamali?

Dati, hindi ako nagsisisi sa tinahak kong landas. Masaya ako. Batid kong lahat ay kaya ko. Ngunit,ngayong narating ko na ang araw nang paghuhusga ay unti-unti nakong nagaalinglangan.

Masaya ako, ngunit bakit nahihirapan ako? Para saan ang pagdurusang aking hinaharap ngayon? Ito ba ang kapalit na kaligayahang pinatikim ng Bathala sa akin?
Sana hindi nalang ako sumaya
Binabawi rin naman kasi Niya.

Ayaw kong dumipende sa ibang tao. Ayaw kong makita nila ang kahinaan ko. Ayaw kong lumabas na wala akong silbi.

Magtatapos na ang taon ngunit hindi pa huli ang lahat. Kailangan ko nanamang pumili. Kailangan kong bumawi.
Alam kong magiging mahirap ito ngunit gagawin ko ito para sa aking sarili, para sa aking kinabukasan.

Babalik na ako sa dati kong buhay.
Paalam…

posted by "hean" at 2/02/2007 08:59:00 PM

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

I woke up one morning and saw the sun shining brightly at me. See? This is life. I must learn to move on, take the risk and be happy. I turned back and saw the dark past..."Hey, Its miserable in here, do you want to come with me?"

would i dare go back?

Most of us realize that we love someone just because she/he's already gone...
that's wrong..
do learn from mistakes...

admirers & fans.. don't think this is for u..
haha =)

Name: