Social Contract
Sunday, January 14, 2007
1st monthsary
My 1st monthsary!!
Wow! nakaisang buwan na ang blog na ito!
Hindi ko akalain na sisipagin akong magsulat sa kabila ng napakaraming gawain sa paaralan. Ako'y umaasa na mapagpapatuloy ko ito hanggang sa susunod na taon. Kadalasan, sinisipag lamang ang isang tao magsulat pag siya'y malungkot, sawi o di kaya'y may problema sa iba't ibang aspeto ng buhay.
Bakit?
Sapagkat napakadali ihayag ang damdamin lalo pa kung kanya itong nararamdaman sa mismong oras na iyon.
Sino ba ang hindi?

Hindi ba ito ay karaniwan lamang sa kabataang tulad natin? Sino ba ang hindi nahuhulog sa isang tao? Sino ba ang may walang problema? Sino ba ang hindi nakararanas ng pagkalungkot o pagkasaya?
Doon tayo naiba sa lahat,kaya nga tayo tinawag na tao, diba? (hehe..)
Sa dinami dami ng sasabihin bakit damdamin pa?
Sapagkat isa iyon sa mga bagay na naiintindihan ng lahat. Ito ang pinakamadaling paksa na maaaring isulat. Kaya ninuman makasulat nito sa isang iglap.
Pag-ibig ba ang karaniwang isinusulat?
OO at hindi, sapagkat napakaraming uri ng emosyon ang maaaring isulat ng bawat isa. Ngunit ito ay hindi nawawala. May mga taong tanging kasawian at kalungkutan lamang ang isinusulat nila ang iba naman ay pag may nangyaring kakaiba sa araw nila.
Kaya hindi lamang emosyon ang pwedeng isulat?
OO, marami pang maaring isulat! Ito ay iyong salamin. Kahit ano ay pwede! Manunulat ka man o hindi kung isasapuso mo ang iyong ginagawa ay siguradong maganda ang kalalabasan ng iyong likha. Malay mo, iyo itong madala kahit ikaw ay nasa loob ng klase pa!
Happy Monthsary ulit sa akin blog! *Hugz*
posted by "hean" at 1/14/2007 07:50:00 PM
0 Comments:
Post a Comment
<< Home