Social Contract
Saturday, January 06, 2007
Unforgettable Essay
My Unforgettable Essay of 2006
What a year!!
Many things happened this year
True, life is like a wheel and I can see how my life is changing. Fast.
First, I want to share my essay in Filipino
Gawain blg. II, November 20,2006 (past na siya! )
(I was able to pass this essay on time ^___^)
I want to share this essay because the message that our teacher wrote in my paper was different from what she always writes.
“Maganda ang pagkakabuo ng iyong gawain" (oowwss? Hndi nga? pero..hmm.. normal na.. sentence..) "Masining! Linangin ang kakayahan sa pagsulat! "(wow! Pwede na pla akong mag lathalain?! hahaha)
hahaha! I smiled and can’t believe that our teacher told me that.
I’m not confident in writing essays anymore because I know many are better than me.
(and talagang bilib ako sa kanila! I like reading essays than writing one.. hehe..)
But this was not the main reason why I smiled..
It’s because that essay is what I hate most. Funny, I was really bitter when I wrote that yet, it was my best essay according to my teacher.. hahaha…
Dahil, tagalog naman itong essay ay magtatagalog nako..
Share ko ung ibang part ng essay.. may mga hindi ako sinama, dahil mahaba and secret nmin un ni ma’am.. hehe.. Super edited na yan.. and short cut.. medyo.. harsh na kc ung iba.. I think..
_____________________________________________________________

Gera ng Katahimikan
Ako ay malimit na tumatakas. Nagtatago sa likod ng mga ngiti at papuri ng mga tao. Kilala ng karamihan bilang isang matapang na babae. Wala daw kinikilingan, doon sila nagkamali.
Ano ba ang mayroon sa akin upang mapunta sa kinatatayuan ko ngayon? Ilang taon din akong nagtago sa kahon ng pag-iisa bago ko nakilala ang tunay kong sarili. Sipag at tiyaga ang naging puhunan ko para makuha ko ang tiwala ng lahat. Laking pasasalamat ko sa aking mga magulang at pinalaki nila ako ng tama at dahil dito ay maganda ang naging buhay ko sa labas ng aming tahanan. Maganda nga ba? Wala akong hihilingin pa. Palagi akong nagpapasalamat sa Diyos dahil ibinigay Niya sa akin ang lahat at bilang ganti ay tinutulungan ko lahat ng nangangailangan. Minsan ay iniisip ko kung bakit ako walang suliranin. Iyon ang pagkakamali ko.
Nasabi ninyo na ba sa inyong sarili ang mga salitang ito? “Tinutulungan ko ang lahat sa aking makakaya at kung sino pa ang tinuturing kaibigan ay siya pang magtataksil sa akin?” Hindi ko inasahang masasabi ko iyon sa aking sarili. Tunay ngang mahirap maging mabait. “Bakit ito ang sinukli niya sa kabaitang ipinakita ko sa kanya?” Malaking panghihinayang at pagsisisi ang aking naramdaman. Ilang araw ako hindi nakatulog sa kaiisip kung bakit nangyari sa akin ito dahil inalay ko ang buong buhay ko sa aking mga kaibigan pero sa huli, ang makapagbabagsak lang pala sa akin ay ang mga “itinuturing” kong kaibigan.
Isang pagkakamali ang lahat. Hindi ako tulad ng iba nakikipag-away o nagsisigawan. Isang araw, hindi ako nagsalita o umimik. Inaamin kong hindi ako matapang tulad nang iniisip ng karamihan sa akin. Ako ay duwag at tinatago ang lungkot at sakit sa likod ng aking mga ngiti at gawain. Hindi talaga ako ang taong inaasahan ng lahat. Sadyang magaling lang akong magtago sa huwad na katotohanan. Ito ang matatawag niyong tahimik na digmaan. Ito ay nakamamatay at ito marahil ang pinakamasakit sa lahat ng alitan. Gusto ko matikman nila ang poot at lungkot ko sa pamamagitan ng pananahimik. Para sa akin, ito ang pinakamasakit sa lahat.
“Magaling akong tumakas. Kaduwagan, oo alam ko, ngunit kung ito ang makapaglalayo sa akin sa realidad ay aalis ako…”
Ang aking katahimikan at ang aking matatamis na ngiti ang ipambabati ko upang kanyang malasap ang poot na tila naiipon sa aking katawan. Ito marahil ang pinakamasakit na hidwaan. Hindi ko alam kung kailan babalik ang salitang pagpapatawad sa aking bokabularyo pero sa ngayon ito ang laman ng puso’t isipan ko. Alam kong isa lamang itong hamon sa aking pagkatao. Napasabak ako sa gera ng katahimikan. Hanggang kailan kaya ako lalaban?
_______________________________________________________

Good luck nalang sa mga magbabasa nyan. Hehehe..
Cge po! Till here na muna! ^_______________^

posted by "hean" at 1/06/2007 12:21:00 AM
0 Comments:
Post a Comment
<< Home