Social Contract

Friday, January 12, 2007

Bowling Day!

Sa Aking Paglalakad


I miss Burbank!!
Super tagal na dapat ito kaso dahil talagang busy eh ngayon na lamang natuloy.
Hmm kaunti lang kami, bakit?
dahil kahit ngayon ay busy pa rin ang lahat
Humanities, cinematography, projects, parties, etc..
Nakakahinayang ngunit hindi ko naman sila masisi dahil talagang kailangan.

Dapat nga hindi ito natuloy ngayon
Kaso pag napostponed nanaman ay
impossible na ito matuloy.

Sa susunod na linggo ay NCAE na
tapos periodic test
tapos intrams
at prom
araw araw may gagawin
syempre may mga projects din yan
kaya marapat nang maituloy ngayon ang lakad

Masaya naman!
Nagkwentuhan kami sa Aunt Anne's (tma ba?)
nagbowling din kami sa Rob!
Ang saya pala!!!
Naglaban pa ngunit lagi kaming natatalo hehe...
pero natuto ako ha!
halatang matagal nkong hindi naglalaro
mahilig kasi yung mga kaibigan kong maglaro ng bowling noong kami ay nasa elementarya pa lamang.
Humabol si ralph at umalis naman si Royce. Sayang at hindi siya nakasama sa aming picture taking.
Sana ay maulit ito at sana ay mas maraming pumunta
Teka! nilibre pala kami ni Katz! Salamat!
Dumaan din pala sina Diana at Joco sa Alley.. hehe

Einstein.....
Marami nang namomoblema sa prom
may nagyayaan, kwentuhan at nagbabasa ng mga magazines ukol dito.
Halos wala nang nakikinig sa klase. Nararamdaman mo na talagang malapit nang matapos ang taon. Wala kaming Comsci ngunit nagkaroon naman kami ng open forum. Ayos lang siya kaso hindi kami kumpleto. Kung tutuusin ay hindi na ako masyadong apektado sa mga nangyayari ngunit sadyang marami pa ang hindi nakakawala. Tanging naiisip ko lang ay hanggang ngayon ay hindi pa rin nanatahimik ang kanilang mga loob.
Sana sa pagtapos ng buwan na ito ay matapos na ang lahat upang tanging magagandang alaala na lamang ang mabubuo ng aming pangkat.
posted by "hean" at 1/12/2007 07:54:00 PM

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

I woke up one morning and saw the sun shining brightly at me. See? This is life. I must learn to move on, take the risk and be happy. I turned back and saw the dark past..."Hey, Its miserable in here, do you want to come with me?"

would i dare go back?

Most of us realize that we love someone just because she/he's already gone...
that's wrong..
do learn from mistakes...

admirers & fans.. don't think this is for u..
haha =)

Name: