Social Contract
Monday, May 21, 2007
3 wks to go
This year’s summer is my busiest summer of all!
1st time pa hindi nag enroll ng summer classes
1st time na araw araw nasa labas
1st time na hindi nagswimming sa bday
1st time sumama sa probinsya ng hindi kasama ang momsi at c adding
Hmm.. maraming first time.. pero ang punto ko.. ito ang unang beses na hindi ako pumayat ng summer.. T______T epekto yata nang hindi paglaro ng tennis o kahit anong isport. Madalas kasi sa panahon ito ako nangangayayat ng husto. Napabayaan na kasi sa kusina… hehehe..
Buti na lamang at natapos na ang kalbaryo ko sa debut. Ito pa lamang ang simula ng aking bakasyon.. Planado na ang lahat kaya kung may kokontra, tatamaan ng kidlat!
Nakalulungkot at sa Miyerkules na ang simula ng klase ng mga taga-DLSU at dahil taga roon na si Patrick at Phoebus ay mahihirapan na kaming lumakad. Para hindi malungkot ay niyaya ko sila magtennis.
“Nasa Subic ako eh” ani ni Patrick
“May pupuntahan ako” paliwanag ni Dimpey.
Ako, si Iyel, phoebus at Pj ang natira. Sa madaling salita “doubles” ang laro namin. Dumating ang lahat ng mga alas-nuwebe at tumngo na kami sa Velayo’s sport compex sa mau Domestic airport. Para masaya at hindi magastos ay gumamit na lamang kami ng isang sasakyan. Umatake ang katamaran ni Phoebus kaya hinayaan niyang c Pj ang magmaneho ng kanyang sasakyan. Nasa likod lang kami ni Iyel.
Pagkatapos ng maraming gate at kuhaan ng id sa merville ay nakalabas na kami at nasa may NAIA nang hulihin kami ng pulis. Swerving daw, malay ko ba kung ano yun at mag-aaral palang ako magmaneho, Kinuha ang lisensiya ni Pj at rehistro ng sasakyan ni phoebus. Buti na lamang at mabait ang pulis at hindi na kinuha ang mga papeles at lisensiya kaso may ticket naman kami!
Nakarating kami sa court at naglaro 6-3 ang score at kami ni Iyel ang nanalo laban kanila Phoebus. Pagkatapos ng isang oras nagreklamo na so phoebus at nagyayang pumunta na lamang sa Market Market. Naghiwalay muna kami sa bahay ko dahil kinuha ni Pj yung sasakyan niya. Kay Phoebus ako sumabay at si Iyel kay Phoebus. Nagkita kami sa gitna ng Mall at kumain sa North Park! Paboritong kainan namin ni Iyel. Si Phoebus ang taya kaya umorder ng marami si Iyel. 1k umabot ang bill pero ayos lang dahil hindi naman ako ang nagbayad! Haha!
Pumunta kami sa Olympic world pagkatapos kumain dahil may gusting bilhin si Phoebus na sapatos. Berde ang kulay para daw sa pasukan ay kakulay niya ang paaralan niya! Dun naming nakilala ang Gola. Isang bagong tatak ng sapatos.
Bumalik na kami sa parking pagkatapos. Pinangako kasi ni Phoebus na ihahatid niya ako sa gym. Nagpaalam na kami kay Pj at pumunta sa glorietta upang ibaba si Iyel. Mga alas-dos ako nakarating sa gym. =)
Simula ng program ko sa gym. Akala ko madali lang, nakakapagod pala. Nasanay kasi akong kanya kanya pag nandun at unang beses ko lang sumunod sa program dahil tumaba nga ako. Hehehe…Napawi naman ang pagdurusa ko dahil ang daing gwapo sa lugar! Lahat nakangiti pa! Hindi ko namlayan tapos na pala ang program ko.
Pumapayat ka na nga! Nageenjoy ka pa! Hehe.. dahil sa mga nangyari ay hindi ako umabot sa dentist appointment at sa practice kanila Bea. Hay..
0 Comments:
Post a Comment
<< Home