Social Contract

Thursday, May 10, 2007

Watz d sched?

Watz d sched?

Wahaha… tinatamad nakong mag update.. kaya lng may nagsabi saking ol ako ng ol hindi naman nag uupdate.. huhuhu..

Eniweiz.. Schedule ko nlng para masaya

May 1:
Weeeeee!! Nakausap ko Mayor ng Narvacan, Ilocos Sur! Umm.. I mean future Vice-Mayor na kasi her husband is running for Mayor!

Uso naman sa Ilocos na buong pamilya tumatakbo sa isang bayan. At dahil Pol. Sci naman course ko ay tinanong ko kung bakit ganun.

“Iha, nasa Ilocos ka.. ganun tlga at kahit saan naman ganun” Tawa nalang ako, may point naman siya… napabuntong hininga nalang ako. Fiesta sa amin kasi, yun marahil ang dahilan kung bakit araw araw kong nakikita yung mayor namin.

Sa gabi ng pista, tulad ng nakaugalian ay kinokoronahan ang nanalong prinsesa sa aming lugar. Akala mo naman pagandahan, pero sa katunayan, sa pera lang yan lahat. Halos lahat naman ay galing abroad at tinatapon lang nila ang pera sa mga anak upang maranasan naman makoronahan kahit sa isang gabi lang.

“Saan kaya napupunta ang pera?” Syempre, tinanong ko na rin yun. Sapagkat taga London ang nanalo at 60,000php ang nalikom niyang pera sa loob lamang ng tatlong araw. Isama pa natin ang mga kalaban niya, aabutin ng 100,000php o higit pa dahil 5 ang naglabanan para sa trono. Sabi ng pinsan ko sa Kapitolyo daw napupunta lahat ng pera taon taon… Laking gulat ko dahil ang liit lang naman ng simbahan. Wala ngang aircon at kakaunti lang ang electric fan. Hindi pa kasya lahat sa loob. Ano yun? Dapat palasyo na yan ha! Napatawa nalang ako ulit. Saan talaga napupunta ang pera? Sa isang maliit na bario tulad ng sa amin ay marami nang nangyayaring kababalaghan paano pa kaya sa isang probinsyang tulad ng Ilocos? Sa buong Pilipinas?

May nangyari pang mala-telenobelang eksena sa gabi ng pista. Bukod sa pagdating ng Mayor ay may nagsaksakan pa sa gitna ng pista! Mga 4 na metro lang ang layo ko sa dalawang nagaaway at kitang kita ko ang sugat na natamo ng isang lasenggo. Inisip ko nalang pulang pintura ang nakikita ko para hindi ako matakot kaso yung isa may hawak na baril kaya napatakbo ako pero syempre nakatingin parin.. journalist ata toh! Haha..

Kung sinasabi sa mga dyaryo na wala ng jueteng ay talagang hindi ako naniniwala. Nawala lang naman dahil hindi na nakatuon ang pansin ng gobyerno at nakalimutan na ito ipaglaban ng oposisyon dati nangangampanya sila. Sa murang edad, nasasaksihan ko ang mga maling gawain, imposible namang hindi ito nakikita ng mga nakatatanda sa akin, diba? Wala lang kasing pakialam… Lahat takot…

Nakalulungkot isipin na tuwing panahon ng eleksyon, kay raming anumalyang nagaganap. Hindi raw maiiwasan ito, hindi nga ba? Marami na ang nawawalan ng pag-asa sa ating bayan. Dahilan nila, pare pareho lang naman lahat ng kandedato. Lahat sila kurakot, walang malinis, walang marangal. Tuwing naiisip ko toh ay nawawalan nako ng gana bumoto.

Pero sana hindi ako mawalan ng pag-asa… Go Pol Sci!! =)
posted by "hean" at 5/10/2007 11:45:00 AM

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

I woke up one morning and saw the sun shining brightly at me. See? This is life. I must learn to move on, take the risk and be happy. I turned back and saw the dark past..."Hey, Its miserable in here, do you want to come with me?"

would i dare go back?

Most of us realize that we love someone just because she/he's already gone...
that's wrong..
do learn from mistakes...

admirers & fans.. don't think this is for u..
haha =)

Name: